445th ARAW NG PASIG SHOOTFEST

July 14, 2018

Example blog post alt

Nagpakitang-gilas ang mga kalahok na binubuo ng PNP, PCO, BJMP at BFP, mga kawani ng gobyerno, at ilang Pasigueño sa ginanap na Pasig Shoot Fest sa ARMSCOR Firing Range sa Marikina City bilang bahagi pa rin ng ika 445th Araw ng Pasig. Nais ni Mayor Bobby C. Eusebio na sa pamamagitan ng taunang Shootfest ay makadiskubre ng mahuhusay na manlalaro upang palaganapin ang tamang disiplina at pag-iingat sa paggamit ng baril. Maraming Pasigueño ang nabibighani sa kakaibang isports na ito at inaasahang mas marami pa ang mga lalahok sa mga paparating na mga kompetisyon.