Cases

ECQ FINANCIAL ASSISTANCE

April 12, 2021

ADVISORY

Ilan sa mga dapat tandaan ukol sa ECQ Financial Assistance mula sa National Government (DILG-DSWD-DND JMC 1, s. 2021):

-Pinapakiusapan ang lahat na iwasan ang pagpunta sa City Hall para sa ayuda. Muli, may tatlong paraan po tayo ng distribusyon ng ECQ final assistance at wala po rito ang pagpunta sa City Hall: https://www.facebook.com/PasigPIO/posts/2014548555370919

-Iba po ang ECQ Financial Assistance sa Second Tranche ng Social Amelioration Program (SAP), bagamat parehong nagmula sa national government ang pondo para rito. Yung ECQ Financial Assistance, ibinaba na po sa ating LGU ang pondo at kasalukuyan ipinapamahagi na. Samantalang kasalukuyang inaayos pa ng DSWD-NCR ang pagre-release ng natitirang Second Tranche ng SAP.

-Pakihintay lamang po ang mga susunod na anunsyo o impormasyon ukol sa distribusyon ng ECQ Financial Assistance dito sa Pasig City Public Information Office Facebook Page.