GO SERBISYO SA PASIGUEÑO

September 12, 2018

Example blog post alt

Mahigit sa 1000 Pasigueño ang nabiyayaan ng mga libreng serbisyo handog sa kanila ng “GO SERBISYO PARA SA BAYAN” sa pangunguna ng grupo ni Special Assistant to the President Christopher Bong Go at sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig.

 

Libreng Check-up, gamot at serbisyo ang ibinahagi sa mga mamamayan ng barangay Pinagbuhatan ng nasabing gawain. Mayroon din dental check-up, libreng bunot, libreng gupit, masahe at maging pedicure at manicure. Nagkaroon din ng libreng basketball clinic para sa mga kabataan, programang isinusulong upang malayo ang kabataan sa mga masasamang gawain. Labis ang saya ng mga naging benebisyaryo ng Medical Mission.