PASIG NAGHAHANDA NA SA BAGYONG OMPONG

September 13, 2018

Example blog post alt

     Bilang paghahanda sa papalapit na Supertyphoon Ompong, hindi nagpapakampante ang ating lungsod sa posibleng maging epekto nito. Katatapos lang ng isinagawang conference kung saan nagpulong ang iba’t-ibang departamento ng lokal na Pamahalaan ng Pasig upang masigurado ang kaligtasan ng publiko. Kasalukuyang itinaas na ang “Red Alert Status” upang maging alerto ang lahat sakaling tayo ay maapektuhan. Inihahanda na rin ang mga kagamitang pang-sakuna at mga relief goods.

        Sa oras ng sakuna lalo na sa inyong lugar, maaari po ninyong tawagan ang emergency hotline 643-0000, 643-1111 local 451 o kaya sa Katext 09088993333.