“TULONG SA BAYAN ON WHEELS, UMARANGKADA SA PASIG CITY”

October 07, 2018

Example blog post alt

Umarangkada kamakailan ang DTI “Tulong Bayan Suki Outlet” (Producer to Consumer Market Program), isang programang hatid ng Department of Trade and Industry (DTI), Department of Agriculture (DA) at National Food Authority (NFA) sa pakikipag-ugnayan ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig. Layunin ng Tulong sa bayan on Wheels program na maihatid ang mga produkto na abot kaya tulad ng NFA Rice, mga Gulay at prutas at mga karne sa mga mamamayan lalo na sa panahong mataas ang bilihin sa mga pamilihan at palengke.

Dumalo sa nasabing caravan si DTI Assistant Secretary Ernesto Perez at ilang mga opisyal at si Mayor Bobby C. Eusebio na labis ang pasasalamat sa mga naghatid ng programa maging sa mga nakilahok at nakinabang dito.