“MRI, DIALYSIS CENTER, BINUKSAN NA SA PCGH”

October 10, 2018

Example blog post alt

          Talagang napakapalad ng mga Pasigueño makaraang buksan ang ipinagawang Magnetic Resonance Building, Oncology Clinic na may Dialysis and Chemotherapy Centers, Hemo Dialysis Center at Property and Supply Office and Administration Rooms, 6th floor sa Pasig City General Hospital.

          Sa pangunguna ng ating Mayor Bobby C. Eusebio, dating mayora Dra. Maribel A. Eusebio, at ang Sangguniang Panglungsod, ginanap ang pagbabasbas sa mga nasabing bagong pasilidad na maaaring makatutulong sa mga pasyente ng PCGH. Isang bagong Magnetic Resonance Imaging machine ang pangunahing tampok ng nasabing inagurasyon at naglagay sa ating lungsod bilang unang LGU hospital na may sariling MRI facilities. Binasbasan din ang 23 unit na Chemotherapy and Dialysis machine.

          World-Class na serbisyong medikal at pangkalusugan ang tunay na hatid ng serbisyong totoo at may puso ng ating Pamahalaang Lungsod.