MULTI-PURPOSE PARA SA BARANGAY DELA PAZ AT SANTOLAN

January 28, 2019

Example blog post alt

       Ipinapadama sa bawat Pasigueno ang kalingang REady to Serve ng ating lokal na Pamahalaan upang maging kaaya-aya ang pamumuhay sa bawat komunidad. Kaya naman ginanap ang pagbabasbas at pagpapasinaya ng mga Multi-purpose Building sa Octagon Phase 3 sa Barangay Dela Paz at sa Doña Betang sa barangay Santolan. Labis ang saya ng mamamayan ng dalawang barangay sa mga proyektong kanilang natanggap hatid sa kanila ng ating Pamahalaang Lungsod sa pangunguna na din ni Cong. Ricky Eusebio.