Ibinababa ng ating Pamahalaang Lungsod ang talakayan sa bawat purok upang mas maiparating pa sa ating mga mamamayan ang mga programang magiging kapaki-pakinabang. Nilalayon din ng talakayan na maunawaan ng ating mga butihing lingkod bayan ang mga pangangailangan at hinaing sa maliliit na komunidad.