BARANGAY UGONG MEDICAL MISSION AT CLEAN UP DRIVE

March 04, 2019

Example blog post alt

       Patuloy ang Serbisyong totoo para sa bawat Pasigueño sa mga programang pangkalusugan at pangkalinisan. Sa barangay Ugong, ginanap ang Medical Mission na nilahukan ng nasa 1,230 mamamayan nito. Kaalinsabay nito ay ang programang Clean-up Drive kung saan hinikayat ang mga naninirahan sa nasabing barangay na mag linis ng kanilang kapaligiran upang maiwasan ang paglaganap ng dengue at iba pang sakit.