Inilunsad, 2nd batch ng SPES (Special Program for the Employment of Students) at GIP–LGU (Government Internship Program)

May 06, 2019

Example blog post alt

 

Pinamunuan ng PESO (Pasig Employment Services Office)  ang paglulunsad ng 2019 2nd batch ng SPES (Special Program for the Employment of Students at GIP-LGU (Government Internship Program), kaninang umaga Mayo 6, 2019 pagkatapos ng flag ceremony. 

 

Mayroong 616 kabataang kasali ang inatasang magtrabaho sa ibat’t-ibang opisina at departamento ng pamahalaan ng Pasig sa loob ng 20 working days.

 

Kasabay rin inilunsad kanina ang mga kalahok sa GIP o Government Internship Program. Gaya ng SPES, itinalaga rin sila sa iba’t –ibang opisina. Mayroong 150 beneficiaries na karamihan ay tapos na sa kolehiyo ang nabigyan ng pagkakataong maranasan ang pagtatrabaho sa gobyerno. Ang magiging karansan nila dito ay maaring maging daan ng pagpasiya sa sarili kung nais nilang maglingkod sa pamahalaan. Sila naman ay magseserbisyo sa loob ng tatlong buwan.

 

Sinaksihan ng mga magulang ng mga kabataang kalahok sa SPES at GIP program ang launching na ginanap.