SCHOOL SUPPLIES DISTRIBUTION 2019

June 10, 2019

Example blog post alt

          Lubos ang pasasalamat ng mga mag-aaral, guro at maging ang mga magulang sa tinanggap na mga libreng school supplies, school uniforms at school materials nitong nakaraang pagbubukas ng pasukan hatid ng lokal na Pamahalaan ng Pasig sa pangunguna ni Mayor Bobby Eusebio, at ng Sangguniang Panglungsod.

          Prayoridad ang edukasyon ng ating pamahalaan, kaya naman ibinahagi sa 71,204 mag-aaral mula sa elementary at Special Education at 56,440 naman na mag-aaral mula sa high school ang libreng school uniforms, P.E. uniforms, school supplies, bag, lunch box, black shoes at rubber shoes, raincoat at maging mga libro.